Lunes, Disyembre 26, 2011

Kim Jong-un

Ako'y isang henyo, dahil sa mahilig ako humukay ng pagkatao ng iba, alamin ang bawat istorya at kaganapan sa ating mundong nakalipas ito'y aking sisimulang isulat at ipalaganap sa lahat.

Aking uumpisahan sa pagkatao ni Kim Jong-un, Bunso siya sa tatlong anak ni Kim Jong-il ang North Korean Leader. Kamakailan lamang kung inyong nabalitaan ay pumanaw na ang dictador na si Kim Jong-il, kung kaya't itong si Kim Jong-un ang tagapag-mana ng kapangyarihan ng kanyang ama. Swerte no? Parang NoyNoy? naging leader dahil sa magulang. Pero bakit si Bongbong Marcos ay hindi? dahil ba bata pa siya at galit na galit ang taong bayan sa panahong nanunungkulan pa ang kanyang ama? Bakit si Kim Jong-un sa edad na 27 o 28 eh mamumuno na sa North Korea, sa bagay sasambahain din siya ng mga tao katulad ng pagsamba sa ama niya. Naalala ko may napanood akong video kung saan nagiiyakan ang mga korean sa pagkamatay ni Kim Jong-il, aking natuklasan na diyos pala talaga ang turing ng mga korean kay Kim Jong-il at bata pa lang daw ang mga tao dun ay tinuturo na sa kanila ang buong pag-katao ni Kim Jong-il parang Jose Rizal no? Kung ako ikaw, sasambahin mo ba si Kim Jong-un na may dalawang kapatid na ang isa ay hinuli sa japan dahil pineke ang pasaporte makapunta lang sa Tokyo Disneyland at isang kapatid na bakla? Hahangaan mo ba si Noynoy na may kapatid na Kris Aquino? o si BongBong na may kapatid na Aimee Marcos? Balik tayo kay Kim Jong-un ang taong Tiba-tiba, tapos niya ang Computer Science, bihasa siya sa Physics, nasubukan na niya magpanggap,magpalit ng pangalan para makapasok sa pang publikong paaralan at ito ang matindi siya ang magmamana ng NUCLEAR ng kanyang ama kaya mamanahin din niya ang mga kalaban ng kanyang ama, ito yung mga nagboycot noong isang araw sa UN general assembly kung saan ginanap ang tribute para sa kanyang ama. Kung katulad ni hitler si Kim Jong-un baka magkaroon ng World War III. United States, European Union member states, South Korea at Japan Vs. North Korea, China at Hongkong. Match lang kasi kakampi ni Kim Jong-un si Jackie Chan na taga Hongkong. ah basta marami pa ko naiisip kaya lang hindi ko na mapindot ang letter "A" sa keyboard ko kailangan ko na bumili ng bago at papanoorin ko na lang si Chris Paul na lumipat na sa North, hindi sa korea ah sa NBA.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento