Martes, Disyembre 27, 2011

Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Ako'y isang henyo, dahil sa mahilig ako humukay ng pagkatao ng iba, alamin ang bawat istorya at kaganapan sa ating mundong nakalipas ito'y aking sisimulang isulat at ipalaganap sa lahat.

Aking uumpisahan sa pagkatao ng Gobernador ng Laguna na si Emilio Ramon Pelayo Ejercito III sikat sa pangalang Jeorge "E.R." Estregan Jr. Hindi ako magtataka, pagdating ng panahon tatawagin siyang Action King, Tagapagligtas ng mga naapi o Ang pambansang bayani ng Action film industry. Sasayangin mo ba ang pera mo kung manonood ka lang sa sinehan ng walang katapusang SHAKE,RATTLE and ROLL o ENTENG NG INA MO na madalas mo naman makita ang mga bida sa EAT BULAGA, walang kamatayang LOVE story na bandang huli nagkakatuluyan ang mga bida at sa PANDAY na walang Humpay?

Mabuti pa manood na lang kayo ng "Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story". Minana ni E.R Ejercito ang Asiong Salonga Story sa tito niya na si Erap Ejercito Estrada at sa ama niyang si George Estregan. Swerte niya no? isipin mo kung si Dennis Trillo gumanap na Asiong Salonga? kadiri di ba?

Si Asiong Salonga ang Hari ng Tondo. Paano? Minana niya ang trono kay Soliman ang unang Hari ng Tondo noong panahon pa ng kastila. Ang pinagkaiba ni Soliman sa Hari ng Cebu na si Haring Raja Humabon bago nila yakapin ang relihiyon ng kastila ay si Haring Soliman lumaban ngunit napilitang sumuko samantalang si Haring Humabon sa takot na maaring agawin ni Magellan ang asawa niya matapos bigyan ni magellan ng malaking krus na nakadisplay ngayon sa simbahan sa cebu, ang asawa ni humabon nakipagkasundo na lang ito at ginawa ang SANDUGO.

Ang malas lang ni Asiong kay Soliman ang minana niya eh ang mamatay din sa tondo. Si Soliman namatay sa pakikidigma huwag lang maagaw ang tondo, si Asiong namatay habang nakikipag-inuman sa tondo. Paano ba naman makikipag-inuman ka sa tondo doon pa sa mortal enemy mo na si Carlos Capistrano, alias totoy golem

Walang pinagkaiba sa storya ni Kevin "Baby Ama" Calo pinakabatang naging leader ng Sige Sige sa munti. Minana ni Kevin Calo ang alyas na Baby Ama kay Marcial "Baby" Ama ang notoryus sa parehas na kulungan, dahil sa baby face siya hindi siya kinatakutan ngunit ng gahasain ng mga gwardiya ang asawa niyang buntis na dumalaw sa kanya sa kulungan at magpakamatay kasama ang nasa sinapupunan, dito nakilala si baby ama kung paano niya patayin ang mga may atraso sa kanya Dahil sa daming pinatay ni Marcial "Baby" Ama at Kevin "Baby Ama" Calo parehas silang na silya elektrika.

Pero wala pa rin titindi sa congressman namin dito sa Qc, na si Vicente Singson-Crisologo, congressman dati ang ama niyang si Floro Crisologo at kamag-anak niya rin ata si Luis "Chavit" Crisologo Singson. Ang matindi niyan si Vicente Singson-Crisologo matapos siya makulong sa kasong arson eh nakalabas pa at naging congressman. ah basta mgdodownload na lng ako ng Asiong Salonga Ikalawang Aklat (1990) para sa akin ito ang Lord of the rings the two towers ng pilipinas. At idol ko si Jeorge "E.R." Estregan Jr. dahil ang nanay niya at ang nanay ko eh parehas taga-aklan. hehe at makikinig na lang ako sa kanta ni Gloc 9


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento