Martes, Disyembre 27, 2011

Jovito Palparan

Ako'y isang henyo, dahil sa mahilig ako humukay ng pagkatao ng iba, alamin ang bawat istorya at kaganapan sa ating mundong nakalipas ito'y aking sisimulang isulat at ipalaganap sa lahat.

Ito ay kwento tungkol kay Retired Army General Jovito Palparan and the Fellowship of the ring. Kung napanood niyo na ang Trilogy ng Lord of the Rings makakarelate kayo dito. Si Jovito Palparan si Frodo ang bida at si Gloria Arroyo naman si Gollum. Si gollum ang nakapulot ng singsing ito'y simbolo ng kapangyarihan at kasamaan. Nang manahin ni Frodo ang singsing sa ama niya na si Bilbo na nakakuha ng singsing kay gollum ito'y naging dahilan ng kasamaan ni Palparan as frodo. Nang makauwi kasi si Palparan galing iraq ginawa siyang General ni Gloria, para manahin ang kasamaan ni Gloria. General na si Palparan, Upang masunod ang kagustuhan niya kailangan pa rin niya si Samwise as Renato Corona at Gollum para malaman ang tamang daan.

Magaling na sundalo naman talaga si Jovito Palparan, madami na siya napatay sa basilan, sulu, mindoro, romblon, samar at siya ang commander ng Philippine Humanitarian Contingent composed of 51 troops na ipinadala sa iraq. Pero bakit sa dami ng napatay niya hindi ipinalabas sa "maalaala mo kaya" ang buhay niya, daig pa siya ni Jamaron Sandag. Si jamaron Sandag ang sundalo na pumigil sa isang grupo na Abu sayyaf, halos napatay niya lahat kahit mag-isa lang siya. Si Jong Hilario pa gumanap na bida sa "Maalaala mo kaya".

Ngayon ay sikat nanaman si Palparan dahil pinaghahanap na siya ng tropa ni P'noy. Wala ng Gollum na tutulong sa kanya ngayon at si corono naman ay maiimpeach na. Walang kwenta si Palparan kahit congressman siya ngayon ng Bantay Party List. Hindi naman talaga siya magiging representative ng Bantay kung hindi dahil kay corona, dahil noong 2009 inutos ng Supreme Court na dagdagan pa ng 23 Party list representatives sa congress para makapasok si Palparan.

Hindi dahil sa kabirthday ni Palparan erpat ko at parehas sila ni Bal David nakagraduate sa U.E eh kampi ako sa kanya. Kailangan pa rin niya talaga panagutan ang kasong Extrajudicial abductions and killings, kahit na galit siya sa Komunista eh hindi niya susundin ang Bill of rights. Alam naman natin na bukod sa may Freedom of speech tayo mayroon pang "We have the right to peaceably assemble or prohibiting the petitioning for a governmental redress of grievances" . Kaya kung sino man ang inutusan at pinahintulutan ni Palparan na dukutin at patayin ang ilan sa mga raliyista eh dapat managot sa batas ni corona ang pinakamataas sa ating hudikatura na pilit binabara si NoyNoy na pinakamataas na Ehekutibo, sa Legislatura para sayo sino pinakamagaling? si JDV na bumaligtad kay Gollum, Kay Belmonte na laging Neutral creeps o Pacquiao na Pound for Pound?.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento