Martes, Disyembre 27, 2011

Boy Pick Up

History Mana-mana Day 04-Dec 28, 2011 http://histokritiks.blogspot.com/

Ako'y isang henyo, dahil sa mahilig ako humukay ng pagkatao ng iba, alamin ang bawat istorya at kaganapan sa ating mundong nakalipas ito'y aking sisimulang isulat at ipalaganap sa lahat.

Kilala mo ba si Boy Pick Up? yung laging pinapalakpakan at nananalo sa Pick Up Battle dahil sa tulong ni Bodie Cruz ang lalaking laging nasa likod ni Boy Pick Up. Herminio Jhay Alcasid, Jr. ang tunay na pangalan ni Ogie "Eric OrdoƱez" Alcasid na kilala ngayon as Boy Pick Up. Napakaswerte niya no? kung hindi dahil kay Michael V. wala siguro sila ngayon sa Bubble Gang. Bukod sa magaling sila umarte, si Ogie magaling kumanta, si Michael V. magaling magpatawa kaya parang nagkahawaan ang dalawa. Sa tagal ba naman nila magkasama sila na talaga ang makikita mo sa kahit anong comedy programs, simula pa noong nasa ABS-CBN's Mana Mana, napunta sila sa ABC's Tropang Trumpo tapos kinuha sila ni Douglas Quijano ng GMA Network para samahan si Wendell Ramos at Antonio Aquitania at para matalo ang Bubble Gang Just chew it! sa kalabang Tropang Trumpo. Kaya ngayon itong Bubble Gang ang longest-running gag show in Philippine television dahil sa galing ng dalawa mang-gaya ng Tv Commercials, Celebrities at Politicians. Hinihintay ko nga gayahin ni Michael V. si Renato Corona eh.

Bukod sa sumikat siya sa kantang "Nandito Ako" kasama din niya sa pagsikat si Michael V. sa palabas na Mama's Boys. Ang last movie na pinasikat nila ngayon ay ang "Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie". Dati naisip ko kung sakaling mawala ang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga sino kaya ang papalit? Pwedeng Michael V, Ogie at Francis M. di ba? kaya lang wala na si Francis. Sa bagay nandiyan naman si Jose Manalo. Siguradong nakakatawa yun di ba pag-pinagsama yung tatlo Ogie Alcasid na (2000, 2004, 2006, 2007, 2008 & 2010) Winner, PMPC Star Awards for TV Best Comedy Actor, Michael V. at Jose Manalo na sigurado naman ako na napatawa na kayo nila. Hindi naman pwedeng Moymoy palaboy ang maging Main Host ng Eat Bulaga, kadiri di ba? :D

Basta ngayon ienjoy na lang at pasalamat tayo na nandiyan pa ang T.V.J at manood na rin tayo lagi ng Bubble Gang kahit wala na ang mga nagsesexyhang Francine Prieto, Diana Zubiri at Ara Mina nandiyan naman si Sam Pinto. Huwag kayo manonood ng Banana Split, Korni yun. :D Subaybayan at Suportahan na rin natin ang The Songbird and the Songwriter, first anniversary nila noong December 22, 2010. Ang swerte talaga ni Ogie, may Regine "Songbird" Velasquez pa ang babaeng magaling kumanta. gusto ko rin nun. Idol ko rin si regine bukod sa kinover niya ang isa sa mga kanta ng The Beatles, malakas din ang benta ng album niya na  "Listen Without Prejudice" halos 700,000 units nabenta sa china ang balwarte ni Hu jintao ang taong mahilig sa ballroom dancing at siya ang Paramount Leader, ito yung pinakamataas na leader ng partidong komunista at ng People's republic of china. Minsan tinatanong ko sa sarili ko, Kotse ka ba? Bakit? ang ingles ng kotse ay Car. Wala na ko masabi, makikinig na lng ako ng Kotse ka ba at "Narito Ako" ang kinompose ni Ogie para kantahin ni Regine.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento